Sabado, Agosto 30, 2014

Inviting Sample Script:

Pano i-coconvert sa business talk ang usapan kung nagsimula kayo sa kumustahan?
Great question ito, at ito ang matutunan mo sa article na ‘to.
This approach is one of the effective way I learned from one of the Guru’s in MLM.

Simple lang actually yung approach, pero ang nakakatuwa ay, madaling i-apply, hindi aggressive, at higit sa lahat Effective!
Bago natin simulan yung traning, gusto ko munang itanong sa’yo kung ano yung isasagot mo kapag may nagtanong sa’yo ng mga tanong na ‘to…

What do you do for a living?
Ano ang work mo?
Saan ka nagwo-work?
Anong pinagkaka-kitaan mo ngayon?
Anong pinagkaka abalahan mo?
Saan ka nagtatrabaho ngayon?


Isipin mong maige, kapag tinanong ka ba ng taong kausap mo ng mga tanong na ito, tingin mo that is the perfect time para sabihin dun sa prospect mo yung benefits ng opportunity na ginagawa mo para magawa mo syang ma-curious sa business mo?

At kapag nagawa mo s’yang ma-curious, tingin mo magandang pagkakataon yun para ma-invite s’ya sa business opportunity meeting n’yo? Hhhhmmm!
So ang sagot pala sa “Kaylan ko i-oopen sa Kausap Ko ang tungkol sa Network Marketing at MLM Business Ko ay kapag tinanong ka na n’ya ng mga example na tanong kanina.
Kaso ang problema, paano mo magagawa na tanungin ka ng kausap mo ng mga tanong na yun?

Excited ka na bang malaman kung paano? Simple lang…
Ikaw ang maunang magtanong!
Bakit? Ganito kasi yan….
Kapag tinanong mo yung kausap mo ng tungkol sa work nya, ang gagawin n’ya ay magku-kwento s’ya. Kadalasan mag e-enjoy yung kausap mo na magkwento dahil people love talking about themselves.
Ganito madalas ang mangyayari sa paguusap n’yo ng potential prospect mo…

Ikaw: Son, saan ka na pala nagwo-work ngayon?
Jason: Ah dito ko sa Convergys, sa call center ako…blah…blah…blah
Ikaw: Ah Ok, matagal ka na ba d’yan?
Jason: Oo mag 3 Years na rin ako dito. Ok naman… blah… blah… blah


Maganda ‘tong approach para malaman mo yung background ng kausap mo. Posible din na mabanggit nya yung mga bagay na ayaw nya sa kasalukuyang trabaho nya. At eto ang maganda, kapag naubusan na ng sasabihin yung kausap mo, out of courtesy, ikaw naman ang tatanungin nila…

Jason: Eh ikaw saan ka nag tatrabaho?
(TIIIINNNGGG!!! Eto na ang pagkakataon na inaantay mo  )
Ang pwede mong gawin ay magbigay lang ng kaunting information para magawa mong ma-curious at magkaron ng interest yung kausap mo sa business mo. Eto yung example…

Ikaw: Ahm.. Nasa ___________ industry ako ngayon, ang ginagawa namin tinuturuan namin yung mga tao para _____________, at the same time kumikita rin ako
Ex:
Ikaw: Nasa prepaid loading industry ako ngayon, ginagawa namin tinuturuan namin yung mga tao para gawing income generating yung cellphone nila imbes na expense, at the same time kumikita rin ako habang ginagawa yun. Dati part time ko lang ginagawa tong career na ‘to dati kasi bagger boy ako sa SM pero ngayon nag decide na ‘kong magfulltime nung umaabot na sa P30,000 per month yung income ko.
OR
Ikaw: Nasa health and wellness industry ako ngayon, ginagawa namin nagtuturo kami sa mga tao paano magkaron ng mas-mahabang buhay, makaiwas sa mga sakit sa pagkakaron ng healty lifestyle. At the same time kumikita rin ako habang ginagawa yun. Dati part time ko lang ginagawa tong career na ‘to dati kasi bagger boy ako sa SM pero ngayon nag decide na ‘kong magfulltime nung umaabot na sa P30,000 per month yung income ko.
OR
Ikaw: Nasa internet marketing industry ako ngayon, ginagawa ko nagtuturo ako kung paano gagamitin ang internet para kumita ng additional source of income kahit nasa bahay lang sila. At the same time kumikita rin ako habang ginagawa yun. Dati part time ko lang ginagawa tong career na ‘to pero ngayon nag decide na ‘kong magfulltime nung umaabot na sa P30,000 per month yung income ko at madalas nasa bahay na lang ako kasama family ko dahil home based naman itong ginagawa ko.

Kapag sinabi mo ‘to dun sa kausap mo ano kaya yung magiging reaction n’ya? Ano sa tingin mo? Parang ganito kaya…
Jason: Aba OK yan ah, paano ba yan?

(TIIIINNNGGG!!! Eto na ang pagkakataon na inaantay mo para invitin s’ya  )
Ikaw: Gusto ko nga i-share sa’yo to pero kaylangan ko na rin umalis ganito na lang, may schedule kami ng orientation bukas sa _______ , ng ____ PM. Magkita ta’yo bukas sa opisina namin para malaman natin kung pwede ka para sa career na ‘to.

With this approach hindi mo lang na-open ang tungkol sa business or opportunity mo, Na-invite mo pa s’ya sa business opportunity meeting / seminar n’yo.

Now test this approach and let us know kung ano ang magiging results ng approach na ‘to para sa’yo. Happy Networking!


PS - What do you think about this approach? Put your comment below…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento